NABABAHALA NA ANG IBANG MGA ASIAN TEAMS SA PATULOY NA PAGLAKAS NG PILIPINAS 🇵🇭

 NABABAHALA NA ANG IBANG MGA ASIAN TEAMS SA PATULOY NA PAGLAKAS NG PILIPINAS 🇵🇭


Ayon sa isang website mula sa bansang Taiwan, itinuturing na golden generation daw ang mga bagong manlalaro ng national team sa pangunguna ng U19 World Youth seniors na sina Kai Sotto, AJ Edu at Carl Tamayo na sinamahan pa ni Dalph Panopio at Kevin Quiambao na sinasabi nilang may mataas na technical ability.



Bukod pa dito, ang pagkakaroon ng maayos na naturalized player kasama ang mga athletic na gwardiya na sina Dwight Ramos at Rhenz Abando ay tiyak na makakabuo daw ng isang nakakatakot na lineup. At dahil dito, malaki daw ang chance ng Pilipinas na makapasok sa 2028 o 2032 FIBA Olympics. Dagdag pa nila, ang patuloy na pagtaas ng height ng mga Pinoy ang isa din sa kinatatakutan nila.


At syempre, ang lahat daw na ito ay nangangailangan ng isang magaling na mentor o coach na siyang magle-lead sa koponan na sa tingin ko naman ay nagagawa ng kasalukuyang head coach ng bansa na si coach Tim Cone 💯🇵🇭


via Basketball PH Rev


Mag-post ng isang Komento

Thanks for Support Guys

Mas Bago Mas luma

Comments system

Boxed(True/False)