Sisiklab ang aksyon sa alas-6 ng gabi (Manila time) para sa pagsisimula ng best-of-seven championship series sa pagitan ng dalawang pinakamagaling na ball clubs sa South Korea.
Inaasahan ang mas mahabang playing time ni Abando gayundin ang mas
malaking ambag nito matapos ang limitadong aksyon sa kanilang semifinal
series kontra sa Goyang Carrot Jumpers.
>Ang makauna sa sultada ang hangad ni Rhenz Abando at ng Anyang KGC
kontra sa karibal na SK Seoul Knights sa Game One ng Korean Basketball
League (KBL) finals ngayon sa Anyang Gymnasium.
Kinaldag ng Anyang ang Goyang, 3-1, tampok ang 89-61 panalo sa Game 4
noong nakaraang linggo upang maitakda ang finals rematch kontra sa
Seoul, na winalis naman ang Changwon LG Sakers, 3-0.
Sa tulong ni Abando, nagrehistro ng mga averages na 9.0 points, 2.3
rebounds at 1.0 assist sa kanyang unang taon bilang import sa KBL sa
ilalim ng Asian Player Quota program, misyon ng Anyang ngayon na
makaganti sa Seoul matapos ang 4-1 talo sa kanilang finals series noong
nakaraang season.
Pinalakas ng Anyang ang tangkang iyon nang hirangin na regular season
champion matapos ang 37-17 kartada habang tumersera lang ang Seoul sa
36-18 kartada.
Dinaig din Anyang ang Seoul, 90-84, sa all-Korean finals ng East Asia
Super League (EASL) noong nakaraang buwan sa Japan.