Internet Tricks
Tutorial Palakasin natin internet ng WIFI nyo
Una, i download muna ang wifi analytics 👇
DOWNLOAD
Pagkatapos i download ay buksan yung app, pindutin yung pang-apat sa baba
Dyan makikita yung mga channel sa lugar nyo, pag marami ang naka-connect sa isang channel ay maraming wifi na assign dyan sa channel kasi nag-aagawan ng signal o ng internet.
Pagkatapos niyan ay pumili na kayo ng channel na sa tingin nyo malakas at wala masyadong naka connect sa channel (sakin kase channel 7 pinili ko)
Pagkatapos nyo pumili ng channel, punta na kayo sa admin login ng wifi nyo (di ko alam kung pwedeng palitan yung channel sa user login)
Pagkatapos nyo mag login, punta kayo sa setting ng wifi nyo, at hanapin yung advance settings ng wifi
(nakalimutan ko palitan ng channel nung ini ss ko pero channel 7 gamit ko ngayon)
Pagkatapos ay i-select mo yung channel na gusto mo sabay pindutin ang apply. (saglit mawawala yung wifi)
Kapag bumalik na ang connection ng wifi, i-reboot nyo yung wifi.
Before:
After:
Kung walang internet pag reboot nyo, i auto nyo na lang, di ko alam kung bakit pero nangyari sa pocket wifi ko, globe gamit ko. Siguro ayaw ni globe hahaha
Yun lang sana makatulong to sainyo.